This is an archived site/page. Please visit http://www.xs.edu.ph for the latest info. Thank you.
Men fully alive, endowed with a passion for justice, and the skills for development.

Mga Kwentong Alay nina Nanay at Tatay

Mga Kuwentong Alay ni Nanay at TatayIsinulat ni Gng. Joyce Marie C. Alvarez, Guro ng Gr. 1 E

Ang pagdiriwang ng Unang Baitang ng Buwan ng Wika ngayong taon ay kakaiba. Nag-imbita ang mga guro ng piling magulang upang magkwento sa bawat seksyon.

Nagustuhan ng mga bata ang “Mga Kwentong Alay ni Nanay at Tatay.” Nagpakita ang mga magulang ng iba’t ibang paraan ng pagsasalaysay upang mas maunawaan ng mga bata ang mga kwento sa wikang Filipino.

Sa pagsasadula ng kwentong “Si Pagong at si Matsing,” si Gng. Barria mula sa seksyon A ang nagsalaysay habang si. G. Barria ang gumanap bilang Pagong at nagpakitang-gilas din ang kanilang kasambahay bilang Matsing.

Mga Kuwentong Alay ni Nanay at TatayNagtulung-tulong din ang pamilya Barraza mula sa seksyon B sa pagkwento ng “Pamilya Ismid.” Nakadamit-baboy ang kanilang anak na ikinatuwa ng kanyang mga kaklase. Si Gng. Galvez naman mula sa seksyon J ay hinikayat ang ilang bata sa klase upang maging mga biik sa pagsasadula ng kwento.

Nakagayak naman bilang “Buzz Lightyear” ang anak ni Gng. Bona sa seksyon C upang maipadama sa mga bata ang buhay sa ibang planeta sa pagkukwento ng “Inggolok at ang Planetang Pakaskas.” Maganda ang talakayan ng aral ng kwentong ito sa seksyon F mula kay Gng. Lim.

Nagkaroon din ng partisipasyon ang buong klase ng seksyon I habang nagkukwento ng “Si Linggit at si Barakuda.” Sa hudyat ni Gng. Co, sabay-sabay na tinaas at binaba ng mga bata ang hawak nilang papel na isda na waring lumalangoy. Gumawa naman ng origami na isda ang mga bata sa seksyon D.

Mga Kuwentong Alay ni Nanay at TataySi Dr. Ng , ang Ikalawang Punong-Guro ng Unit 3, ay nagkwento sa seksyon E tungkol sa “Langgam at Tipaklong.” Siya ay nagdala pa ng totoong tipaklong na masusing pinagmasdan ng mga bata. Si Gng. Yap naman mula sa 1- G ay nag-iba-iba ng kanyang boses habang nagkukwento na ikinagiliw ng klase.

Ito ay ilan lamang sa mga ibinahagi ng mga magulang. Sa pagtatapos ng mga kwento, ang bawat isa ay nakapaghanda pa ng mga katanungan at gawain para sa mga bata upang higit nilang maunawaan at magkaroon ng pagpapahalaga sa panitikang Pilipino.

Boom said,

September 29, 2007 @ 12:48 pm

Ang mga magulang ang siyang pinakamahusay na kuwentista para sa mga bata dahil taglay nila ang kakayahang makipag-ugnayan sa bata sa isang paraang hindi kaya ng hindi magulang.

RSS feed for comments on this post · TrackBack URI

Leave a Comment

Note: Xavier School reserves the right to edit or delete inappropriate comments. However, the School is also a believer in free speech. Only comments submitted using ones real name shall be considered for posting. Thank you.