Men fully alive, endowed with a passion for justice, and the skills for development.

Tanghalan sa Dula-dulaan!

h3f-radio-play-2.jpg

ni Louie Gabaldon (H3F), Stallion, Manunulat ng Balita 

Nagtanghal ang mga nasa ikatlong taon ng Mataas na Paaralang Xavier noong Disyembre 9 sa Multi-Purpose Hall (MPC) ng kani-kanilang dulang panradyo, isang patimpalak na pinagwagian ng H3B, H3F at H3A.

h3f-radio-play-1.jpgTema ng patimpalak sa dulang panradyo para sa taong 2009 ay ang Kabanata 65 Fan Fiction na nilikha ng bawat klase noong nakaraang markahan. Sa nasabing patimpalak, nagwagi ang klase ng H3B na nakakuha ng unang gantimpala at pinakamahusay na direktor at paglapat ng tunog. Klase ng H3F ang nakakuha ng ikalawang gantimpala at pinakamahusay na iskrip. Sinundan ito ng H3A sa ikatlong gantimpala at pinakamagaling na paggamit ng sound effects.

h3b-radio-play-1.jpgIlan sa mga naging pamantayan ng paggrado sa dula ng bawat klase ang Paglapat ng Tunog at Nilalaman. Sa Paglapat ng Tunog, inobserbahan ng mga hukom ang pagiging malikhain ng bawat seksyon sa paggamit ng bagay na maaaring gumawa ng tunog na aakma sa mga eksena sa dula.

Nagsimula ang dulang panradyo sa isang dasal na pinamunuan ni Johann Pe (H3C), at sinundan naman ng pagsasadula ng F4 ng ikatlong taon na sina Donal Ong (H3B), Martin Qui (H3B), Winchell Wong (H3D) at Jason Uy (H3D) na tumayong mga emcee ng dulang panradyo. Sina G. Allen Silvano na puno ng Kagawaran ng Filipino, G. Schedar Jocson ng Unbersidad ng Pilipinas at G. Jethro Tenorio ng Pamantasang Ateneo De Manila ang nagsilbing mga hukom ng mga dula.

3f said,

February 11, 2010 @ 12:58 pm

3F is the best

RSS feed for comments on this post · TrackBack URI

Leave a Comment

Note: Xavier School reserves the right to edit or delete inappropriate comments. However, the School is also a believer in free speech. Only comments submitted using one’s real name shall be considered for posting. Thank you.