Men fully alive, endowed with a passion for justice, and the skills for development.

2007 Sawikaan: ni G. Boom Enriquez

Boom Enriquez (Photo from http://www.iamboom.tk/)Malugod naming binabati si G. Boom Enriquez ng Kagawaran ng Filipino sa Mataas na Paaralan sa pagtamo ng ikatlong gantimpala sa katatapos lamang na komperensya ng 2007 Sawikaan: Salita ng Taon sa UP Diliman noong Agosto 2-3, 2007.

Sa kanyang isinumiteng salita, “Friendster”, pinatungkulan niya ang pagbibigay puwang ng ganitong uri ng cyberspace interlinks ng pagkakataon ang mga yuppie na ilabas ang kanilang pagod sa kanilang trabaho. Binibigyan ng mga ganitong uri ng internet site ng pagkakataon ang mga tao na ibahagi ang kanilang sarili sa iba. Sa pamamagitan ng pagsasakompyuter ang kanilang identidad, totoo man o likhang-isip, pansamantalang nakakalimutan ng mga tao ang paghihirap na kanilang dinaranas sa totoong buhay.

Sawikaan: Boom EnriquezAng “miskol” ang tinuring na salita ng taon ni Propesor Adrian Remodo ng Pamantasan ng Ateneo de Naga na siyang pinatungkulan ang konsepto ng mga Pilipino ng pagpaparamdam sa iba. Sa isang maikling pagpapatunod ng celphone ng iba, wari bang nais nitong sabihin ang “Buhay pa ako. Magparamdam ka naman.”

Ang salitang “roro” naman ang nagtamo ng ikalawang gantimpala. Ang ibang mga salitang inilahok sa pagpupulong ay sutukil (pinaikling salita sa Bisaya na sugba-tula-kilaw) , videoke, make over, telenobela, extra judicial killing, party list, abrodista, oragon, at safety.

Sinimulan dalawang taon nang nakaraan, layunin ng Sawikaan ang paigtingin ang pangunahing tungkulin ng wika sa pagtingin at pagbibigay kahulugan ng mga Pilipino sa mundong kanilang ginagalawan. Sa pangangasiwa ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at ang Blas Ople Foundation, pinamunuan ang naturang kumperensya ng Filipinas Institute of Translation (FIT) kasama ang Pamantasan ng Pilipinas.

Sangguniin ang www.sawikaan.net para sa higit na impormasyon.

Kent said,

September 3, 2007 @ 8:46 pm

Conrats! kahit kailan ang galing talaga ni Mr, Enriquez

Emil said,

August 23, 2007 @ 12:44 am

yeah BOOM! congrats hahahah

Brian said,

August 22, 2007 @ 9:26 pm

Conrats! :)

Aids Asis said,

August 22, 2007 @ 12:43 pm

Congratulations, Boom! Is this the mutual admiration website? Hahaha!

RSS feed for comments on this post · TrackBack URI

Leave a Comment

Note: Xavier School reserves the right to edit or delete inappropriate comments. However, the School is also a believer in free speech. Only comments submitted using ones real name shall be considered for posting. Thank you.