This is an archived site/page. Please visit http://www.xs.edu.ph for the latest info. Thank you.
Men fully alive, endowed with a passion for justice, and the skills for development.

Bigkis: Pakilala sa Wika, Sarili at Lipunan

Bulletin Board Contest 0607ni G. Boom Enriquez, Guro ng Kagawaran ng Filpino sa Mataas na Paaralan

Tuwing buwan ng Agosto, ipinagdiriwang ng buong bansa ang pagkilala at paggamit ng sariling wika bilang paggunita sa kasaysayan ng bansa sa pakikipagsapalaran nito sa pagbuo ng kanyang sariling pagkakakilanlan. Wika ang siyang nag-uugnay sa bawat Filipino, saanmang pulo siya nakatira; anumang antas mayroon siya. Wika ang siyang nagsasaklaw sa bawat indibidwal; kahit karagatan ang siyang pagitan ng bawat isa.

Sa pagdiriwang na ito, nais matuklasan ng lahat ng Filipino, puro man o hindi, ang kahalagahan ng paggamit at pagyakap ng sariling wika tungo sa kanyang sariling pag-unlad bilang tao.

Para sa taong ito, itinalaga ng Kagawaran ang tema: Bigkis: Pagkilala ng Wika, Sarili at Lipunan.

Ang mga sumusunod ang mga hinandang proyekto para sa pagdiriwang:

Mga Taunang Timpalak:

  1. Timpalak Tanaga. Ipinagdiriwang ang kadakilaan ng wika sa pamamagitan ng malikhaing pagsulat.
  2. Timpalak Bulletin Board. Libu-libong mensahe ang hatid ng mga simbolo at imahe.

H1: Timpalak Talumpati sa ika-23 ng Agosto. Ipahayag ang sariling kinatatayuan sa pagsusuri ng mga pangyayari sa lipunan.

H2: Timpalak Sabayang Pagbigkas sa ika-12 ng Setyembre. Wika ang nagpapadaloy sa pakikipagkapwa at pakikipag-ugnayan.

H3: Timpalak Dulang Panradyo sa ika-29 ng Agosto. Kalakip ng pagtatanghal ng panitikan ang tunay na mga kaganapang panlipunan.

Sisimulan ngayong taon ang Bigkas: Poetry Reading Showcase. Iba’t ibang tula, kanta at pagtatanghal para sa pagdiriwang ng sariling panitikan. Nawa’y magkaroon ng kultura at tradisyon ng paglikha at pagtatanghal ng sariling akda.

Tinuturing ang bigkis bilang pagsasama-sama, pagtatali at pagbubuklod. Tulad ng isang walis tingting, magiging mahina ito kung iisa lamang tingting ang siyang maglilinis ng daan. Ngunit kung pinagbubuklod ito, magiging matibay ang kanyang pagsasama-sama sa pag-iral nito bilang isang walis. Gayundin ang nais matuklasan ng bawat mag-aaral; na ibuklod ang kanyang sarili sa wika sa tuluyang papapahayag ng kanyang pagkatao sa pakikisangkot sa kanyang lipunan.

Brian said,

August 21, 2007 @ 5:26 pm

Ipagdiwang at pagyamanin ang sariling Wika! Mabuhay ang wikang Filipino!

RSS feed for comments on this post · TrackBack URI

Leave a Comment

Note: Xavier School reserves the right to edit or delete inappropriate comments. However, the School is also a believer in free speech. Only comments submitted using ones real name shall be considered for posting. Thank you.