Bumaha ng parangal noong ika-17 ng Setyembre nang ipahayag sa general assembly ang lahat ng mga nagsipagwagi sa iba’t ibang paligsahang ginanap noong pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
Sa pamumuno ni G. Allen Silvano, Puno ng Kagawaran ng Filipino sa Mataas na Paaralan, iginawad sa mga nanalo ang kani-kanilang mga banner at sertipiko.
Itinanghal na kampeon ng Palarong Pinoy ang klase ng H1B, na sinundan ng H1G at H1D sa ikalawa at ikatlong pwesto.
Iniuwi naman ng H2C ang unang gantimpala mula sa Biyahe Tayo. Samantalang ang H2E ang pumangalawa at ang H2B naman ang pumangatlo.
Sa Dulaang Panradyo ng H3, napunta sa klase ng H3G ang unang gantimpala. Nasa ikalawang puwesto ang pangkat H3B/C at pinagsaluhan ng H3E at H3 advanced ang ikatlong puwesto.
Para naman sa H4 Noli at Fili Quiz Bee, nanguna ang pangkat ng H4A. Sumunod ang H4C, at nagsalo naman mga pangkat ng H4H at H4E sa ikatlong puwesto.
Bukod sa mga nabanggit na mga timpalak, ipinaalam na rin ang mga nanalo sa Malikhaing paggawa ng bulletin board, slogan at tula.
Ang mga klase ng H1F, H2B, H3G, at H4B ang siyang mga nagsipagwagi sa pagandahan ng bulletin board sa kani-knailang mga antas.
Samantala, nakuha naman ni Jessel Herradura ng H2E ang unang gantimpala sa pagsulat ng tula. Unang gantipala rin ang nakamit nina Kendrick Santos (H1B), Javier Gamboa (H1B), at Kevin Ting (H1G) sa paglikha ng slogan.
Kaalinsabay nito, inihandog naman ng Xavier Debate team ang mga tropeyong kanilang nakamit nang mapagwagian nila ang National Asians High School Debate Championship nitong buwan ng Setyembre din.
Malugod namang tinanggap ni Gng. Jane Cacacho, Punong Guro ng Mataas na Paaralan, mula sa Debate Team ang mga parangal na naiuwi nila para sa Xavier School.
Sa lahat ng mga nagwagi, Luceat Lux!







Info
+63 2 723 0481
+63 918 XXAVIER
Visit
Xavier
RSS Feed
Search
Categories
Recent Articles
Archives
Calendar
Ads




















