Men fully alive, endowed with a passion for justice, and the skills for development.

DXhibit 2: Higit pa sa Hip-Hop!

nina Arnold Lau (H4C), Manunulat ng Lathalain at Martin Tee (H4B), Pangalawang Patnugot sa Filipino

Mga Larawan nina: Ryan Chan (H1C), Matthew Chua (H3A), Matt Sia (H3B), Huxley Yu (H3C), at Andrew Chua (H4E), mga Stallion Photographers

Photo by: Huxley Yu (H3C)

Sa gitna ng hagupit ng ulan at hanging dala ng Bagyong Frank, nagwagi pa rin ang ingay at palakpakan mula sa mga manonood ng DXhibit 2: Prison Break na kinatampukan mismo ng walang iba kundi ang ating pinagmamalaking Dance X.

Inulan ang gabi ng samu’t saring paghataw, pag-break dance, pag-cartwheel, paggiling at kung anu-ano pa! Game na game rin ang lahat lalo na sa kakaibang Photo by: Huxley Yu (H3C)bahagi ng programa kung saan pinaakyat sa entablado ang ilang mga manonood upang kopyahin ang maiksing choreography ng kantang Beautiful Girls. Bukod diyan, kasamang nagpakitang-gilas ng Dance X ang iba’t ibang dance troupes tulad na lamang ng Orange Dance Troupe, UP Streetdance Club, Company of Ateneo Dancers o CADS, at Philippine All-Stars na sabik na sabik namang inatabayanan at hiniyawan ng mga manonood!

Subalit, hindi lamang pulos pagsasayaw ang naging kabuuan ng naturang palabas. Hindi rin ang walang tigil na sigawan ang bumuod sa bawat pagtatanghal. Hindi rin ang paululit-ulit na pagtugtog ng jingle ng Dunkin Donuts ang naging kapuna-puna.

Photo by: Ryan Chan (H1C)Nang kapanayamin ng Stallion ang isa sa mga miyembro ng Orange Dance Troupe, isang grupong pitong taon nang nagtuturo ng hip-hop sa mga kabataan, tungkol sa masasabi niya sa sining ng pagsasayaw, nabanggit niyang, “We dance to make the Lord proud!”

Hindi rin pinalampas ng Stallion ang mga Iskolar ng Bayan. Wika ng isang miyembro ng UP Streetdance Club, “Dancing for us is more than just a lifestyle, it’s an act of worship.”

Maging ang two-time World Hip-Hop Champions na Philippine All-Stars, naninindigang hindi lamang hip-hop ang mahalaga. Suot-suot ang mga damit na may disenyo ng watawat ng Pilipinas, naniniwala silang maitataguyod din nila ang ating bandila sa buong mundo at maging ang kanilang pananalig sa Diyos.

Photo by: Andrew Chua (H4E)Oo, higit pa sa hip-hop ang Dxhibit 2. Higit pa ito sa pagpapakita ng talento. Ito ay pagbabahagi ng sarili sa iba para sa Panginoon. ‘Ika nga ni G. Chua, moderator ng Dance X, “It’s really becasue of HIM!

Isa na namang tagumpay ang Dxhibit. Asahan ang marami pang malalaking pasabog mula sa Dance X na magpapatotoo sa tunay na kahulugan ng pagsasayaw.

 

Photo by:  Matt Sia (H3B)

Photo by: Matt Sia (H3B)

Photo by: Ryan Chan (H1C)

Photo by: Matt Sia (H3B)

Photo by: Matt Sia (H3B)

 

 

 

 

 

net said,

October 26, 2009 @ 3:52 pm

I am offering a ticket for a DANCE WORKSHOP POWERED BY MANOEUVERS LED BY JOSHUA ZAMORA. Ticket costs Php2,888 only for 8 sessions. They teach hiphop, street and breakdance, krump etc.

You can also get other freebies like:
1. Php1,500 worth of health and wellness product
2. E-load biz to ALL network (your cp activation only)
3. Accident insurance of Php25,000 by Sun Life Financial
4. Foodcart Discount Voucher

Schedule: Tuesday and Thursday Greenhills

For ticket with no freebies: Php2,500.00

For orders text me @ 09156104432 for faster response.

jarrell lim said,

July 7, 2008 @ 12:44 pm

glen pala hindi gle.

jarrell lim said,

July 7, 2008 @ 12:43 pm

galing nina jiro,jyro, at gle.

jiro go said,

July 2, 2008 @ 3:03 pm

grabe galing ko sobra :) kuya ko na si hanz ng dance x, panis sakin sabi ni mr concepcion!

oyet concepcion said,

July 1, 2008 @ 8:36 am

ang galing ng concert na yan! congrats sa mga nag perform at nga organize.

pero para sakin, ang pinakamagaling na nag perform ay ang “junior Dance X” . sila yung nanalo sa “Beautiful Girls” contest. kung hindi ako nagkakamali, sila ay sina Glen, Jiro, at Jyro. talo pa nila sina Hans at Dino ng Dance X.

keep it moving!
tatang

Joseph said,

June 30, 2008 @ 9:20 pm

Wow…. lots of photos; I’m impressed.

STALLION PHOTOGRAPHY!

RSS feed for comments on this post · TrackBack URI

Leave a Comment

Note: Xavier School reserves the right to edit or delete inappropriate comments. However, the School is also a believer in free speech. Only comments submitted using ones real name shall be considered for posting. Thank you.