Father Johnny Go, mga panauhing pandangal, mga guro at mga kapwa ko empleyado, magandang hapon po sa inyong lahat.
Una, nagpapasalamat ako sa panginoon at binigyan Niya ako ng mabuting kalusugan, pangalawa sa inyong lahat na nagtiwala sa aking kakayahan na makapaglingkod dito sa paaralang Xavier.
Salamat sa mga naging Boss ko sa P.P.O nang dahil sa kanila, napili ako bilang isa sa mga nominado. Sa mga nagnomina sa akin para maging isa sa mga Finalist at sa mga taong sumuri at pumili sa akin para magawaran ng Fr. Jose Caycedo Award, Mrs. Masacupan, Mr. Dela Rosa, Dr. Concepcion, Ms. Cindy Lau at Boss Tonette. Maraming salamat po.
Sa mga kasamahan ko sa trabaho, maging masipag tayo at magkaroon ng tiwala sa ating sarili. Gampanan natin nang maayos anuman ang ating gawain. Tumbasan ang lahat ng biyayang ating tinatanggap, Malay natin, sa susunod kayo naman ang muling tatayo dito sa kinatatayuan ko sa kabila ng nerbiyos at pagkautal ay puno ng saya at pasasalamat. Naumpisahan ko na, sana kayo rin, paalam na po sa inyong lahat.
Maraming, maraming salamat sa inyo.
Patnubayan tayong lahat ng Poong Maykapal.







Info
+63 2 723 0481
+63 918 XXAVIER
Visit
Xavier
RSS Feed
Search
Categories
Recent Articles
Archives
Calendar
Ads




















